Medical Mission ni Ch. Eunice Castro, tagumpay
Advertisers
NAGING matagumpay ang ginawang medical mission sa Bgy. 484 kamakailan kung saan personal itong tinutukan ng isa sa pinakabatang Punong Barangay sa Maynila, dating Manila SK Federation Presidenf at Konsehal na si Eunice Castro.
Buong puso ang pasasalamat ni Ch. Eunice kay Senator Riza Hontiveroz dahil sa napili nito ang Barangay 484 at karatig na mga barangay para lapagan ng ‘Liwanag at Lingap Field Hospital Services’.
Nabatid kay Ch. Eunice na umabot sa halos 300 katao kabilang na ang mga matatandaan, bubtis at bata ang napaglingkura ng mga medical staff ng field hospital services kung saan ang 1st Kagawad mismo ng Bgy. 484 na si Ian Encarnado ang siyang nagsilbing marshall para sa maayos na daloy ng mga taong nais na makapag-avail ng libreng medical services.
Kabilang sa mga libreng serbisyong medikal na ibinigay ng medical mission, ayon pa kay Ch. Eunice ay ang mga sumusunod: blood chemistry, random blood sugar, fasting blood sugar, uric acid, hemoglobin, cholesterol, whole abdomen ultrasound, urinalysis, fetal Doppler, chest x-ray, ecg, medical consultation at libreng gamot.