Advertisers

Advertisers

MMDA AT MARIKINA LGU PINANGUNAHAN ANG ‘GROUNDBREAKING NG RECREATIONAL PARK’

0 41

Advertisers

ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang lokal na pamahalaan ng Marikina City ay pinangunahan ang groundbreaking ceremony para sa Rehabilitation and Improvement ng Recreational Park na matatagpuan sa Brgy. Jesus Dela Peña sa Marikina City.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang rehabilitasyon at pagpapabuti ng parke ay unang iminungkahi ni Congresswoman Marjorie Ann “Maan” Teodoro upang mabigyan ng pampublikong espasyo ang kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni Artes na ang layunin ng muling pagpapaunlad ng mga parke ay upang pigilan ang pagkabulok ng lunsod at bawasan ang mga epekto ng init sa lunsod pati na rin ang magbigay ng ligtas at malinis na mga lugar para sa mga family events at wellness activities.



Ang pocket park ay may lawak na 1,133.21 square meters. Ito ay magtatampok ng mga gawaing landscaping at urban greening, mga konkretong bangko na may mga roof shed, playset at outdoor gym, at isang dalawang palapag na burial chapel.

“Layunin namin na ang open space na ito ay magamit ng mga taga-Marikina para mag-enjoy at mag-relax kasama ang kanilang mga pamilya,” ani Mayor Teodoro.

Nagpahayag ng pasasalamat sina Mayor at Congresswoman Teodoro sa MMDA sa pagpiling i-rehabilitate ang parke sa Brgy. Jesus Dela Peña.

Ang target na makumpleto umano ang pagtatayo ng recreational park ay sa darating na Disyembre. (JOJO SADIWA )

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">