Advertisers
ANIM katao angnasawi at isa pa ang nawawala sa na-nanalasa ng bagyong Enteng nitong Lunes sa Antipolo City.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Public Information Office head Relly Bernardo, nagkaroon ng landslide sa Sitio Hinapao dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Natabunan ng lupa ang mga bahay sa lugar at may mga taong natabunan din.
Dalawang lalaki na magkapatid ang nasawi pati ang kapitbahay na buntis, habang isa pa ang namatay sa San Isidro nang malunod, at patay din ang dalawang iba pa sa Brgy. San Luis na nalunod din.
Hinahanap pa ng CDRRMO ang isa pang taong nawawala sa Brgy. Sta. Cruz.