Advertisers
KINUMPIRMA nitong Lunes ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na sa kabila ng ibinigay na deadline ng ahensya ay bigo parin si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makapaghain ng kanyang counter-affidavit bilang tugon sa subpoena na inihain laban sa kanya.
Una nang pinalawig ng komisyon ang deadline mula August 27 hanggang September 1 para makapag hain ang kampo nito ng counter-affidavit.
Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala pang ipinadadalang komunikasyon ang kampo ng pinatalsik na alkalde.
Hihintayin aniya ng nila hanggang bukas ang kampo ni Guo na makapaghain ng kanilang kontra salaysay.
Matatandaang pormal na inihain ng mga kinatawan ng Comelec ang subpoena laban kay Guo noong Agosto 13 kaugnay sa reklamong material misrepresentation na inihain laban sa kanya.
Si Guo ay iniuugnay sa ilegal na operasyon ng POGO dito sa bansa.