Advertisers

Advertisers

P277.5m shabu naharang sa Samar, driver ‘nakatakas’

0 8

Advertisers

NASAMSAM ang nasa P277.5 milyong halaga ng shabu na naiwan ng drug courier sa isinagawang anti-carnapping operation noong Sabado, Agosto 31, sa Maharlika Highway sa Barangay Jubasan, Allen, Northern Samar.

Pinara ng Northern Samar Provincial Highway Patrol Team at ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-8 ang isang Sports Utility Vehicle para sa isang regular na inspeksyon.

Walang plaka ang sasak-yan at ang driver na kinilalang si Sander, ng Barangay Tubod, Iligan City, Lanao del Norte, ay nabigo magpakita ng opisyal na dokumento sa pagpaparehistro. Tanging vehicle sales invoice lamang ang dala nito.



Dahil sa pagkabalisa, nagawang tumakas ng driver patungo sa kabundukan ng Barangay Jubasan kungsaan iniwan niya ang kanyang sasakyan, susi nito, at cellphone.

Sa isang visual na inspek-syon sa sasakyan, nakita ang isang kahina-hinalang plastic bag na may markang Chinese.

Narekober ng Philippine Drug Enforcement Unit-Northern Samar ang 37 pakete ng shabu na nababalutan ng itim na plastic na may markang Chinese, lisensya sa pagmamaneho ng driver, at iba pang ebidensya.

Naglunsad ng dragnet operation ang Police Regional Office-8 para mahuli ang driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">