Advertisers
Kalaboso ang walong suspek na itinuturong nanlimas at tumangay sa mga alahas at pera sa isang Jewelry Shop nang maabotan ng mga pinagsanib na puwersa ng Mauban Municipal Police Station at Quezon Provincial Intelligence Unit (QPIU) at nasamsaman pa ng mga iligal na droga at baril 6:00 ng hapon sa pinaglulunggaang drug den sa Sitio Barbara, Barangay Soleda, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rexan, John Rico, Jonathan, Mark John, Tristan Jacob, Anthony, Christian at Rose Mae, mga nasa hustong gulang.
Base sa report na ipinadala ng Quezon Provincial Police Office sa opisina ni Calabarzon PRO 4A Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, idinetalye umano ng may-ari ng EM De Ocampo Jewelry Shop na nasa lugar ng Barangay Daungan sa nabangit na bayan, nangyari umano ang ginawang pagnanakaw ng grupo ng mga suspek nuon gabi ng September 1, 2024 habang nanalasa ang bagyong “Enteng” sinira umano ng dalawa sa mga suspek ang bubongan ng jewelry shop at dumaan kisame saka nilimas ang mga assorted gold and silver jewelries na nagkakahalaga ng P600,000. at P2000.00 cash saka mabilis na tumakas.
Nakilala naman ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV camera malapit sa lugar at natunton sa isang apartment na ginawang drug den ng mga suspek.
Nabawi sa mga suspek ang humigit kumulang dalawang kilo ng mga ninakaw na gold at silver, isang caliber 38 revolver na may laman ng dalawang piraso ng mga bala, dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na meron standard market value na P10,200.00, 6 pcs ng heat sealed ng dried marijuana leaves, 2 pcs.of zip lock dried marijuana leaves na may kabouang 1918 grams at nagkakahalaga ng P3,960.00 at mpa drug paraphernalias.
Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong Robbery, Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 at Comprehensive Laws on Firearms and Ammunitions Law o RA 10591.(KOI LAURA)