Advertisers
NAKAPAGTALA ang Zamboanga City ng halos 100 kaso ng rape sangkot ang mga menor de edad mula Enero 2024, ayon sa Zamboanga City Police Office (ZCPO).
Mula Enero 1 hanggang Agosto 28 ng taon, umabot sa 95 ang kaso ng rape na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Sa nasabing bilang, 33 kaso ang naresolba.
Ayon sa pulisya, 85% ng mga kaso ay ‘incest’ o ang mga sangkot ay mismong kaanak ng mga biktima.
“We have received complaints on rape and this is basically incest by nature. It happens in the household and we acknowledge the presence of this and we really condemn this kind of act,” pahayag ni ZCPO Director, Colonek Kimberly Molitas.
Idinagdag pa ng mga awtoridad na karamihan sa mga suspek ay gumagamit ng illegal na droga.
“Our campaign on illegal drugs also is basically connected to this dahil sa mga nakikita natin yung mga assailant dito ay mga naka-drugs,” dagdag ni Molitas.