Advertisers

Advertisers

ALICE GUO ARESTADO NA!

0 29

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na hawak na ng Indonesian authority si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang maaresto ito sa isang hotel Martes ng ma-daling araw.

Ayon kay Colonel Jean Fajardao, PNP Public Information Office chief, 11:30 ng gabi (oras sa Indonesian) o 12:30 ng madaling araw sa Pilipinas nang maaresto si Guo sa Cendana Parc (residence) Kadu Curug sa Tangerang City, Banten, Indonesia.

“We would like to confirm na around 11:30 Jakarta time of Sept. 3 nitong Miyerkoles ‘yan, ahead tayo ng 1 hour sa Indonesia, nang mahuli si Alice Guo ng Indonesian police diyan sa isang hotel sa may (Banten) province of Indonesia,” pahayag ni Fajardo.



Aniya, sa kasalukuyan hawak na si Guo ng Jakarta Interpol at nakikipag-ugnayan na ito sa Pilipinas para sa pagpapabalik kay Guo.

Ani Fajardo, ang pagkakaaresto kay Guo ay resulta ng aktibong koordinasyon at kooperasyon ng PNP sa Indonesian National Police base sa MOA na napirmahan sa pagitan ng PNP at INP noong 2017, at kasama sa kooperasyon at memorandum iyong coordination in preventing and combating transnational crime o exchange of intelligence information.

“So ‘yung efforts ng PNP, nagbunga na at ito na nga under custody si Alice Guo ng ating counterparts.”

Isinaad ni Fajardo na hindi pa nila nakukuhanan ng pahayag si Guo matapos maa-resto.

“Wala po. Unang-una, hindi na natin siya hiningan ng mensahe. Basta ang ni-request lang ng ating Chief PNP is can we see si Alice Guo at pina-kita naman sa ating through zoom,” saad ni Fajardo.



Tumanggi si Fajardo na magbigay ng iba pang detayle sa pagkaaresto at kung gaano na ito katagal na nanunulu-yan sa nasabing hotel.

Sinabi ni Fajardo na pinag-uusapan ngayon kung saan dadalhin si Guo sa pagbalik nito sa bansa. Kung mapu-punta ito sa kustodiya ng PNP at iti-turn over siya sa Senate dahil may existing warrant siya dito.

Isinaad ni Fajardo na patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang naging exit point ni Guo.

“So ongoing parin ang investigation and if when lu-mabas sa investigation natin na meron pong mga pulis na tumulong diyan, no sacred cow dito. Papanagutin natin ang sinomang pulis na mapapatunayan natin tumulong sa ginawang pagtakas ni Alice Guo atbp,” ani ni Fajardo.

Samantala, mariing tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpapatupad ito ng security plan upang masigurong ligtas ang pagda-ting ni Guo sa Pilipinas.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, mula sa NAIA dadaan sa Bureau of Immigration (BOC) si Guo para sa pagproseso ng lahat ng kanyang mga dokumento bago dadalhin sa NBI.

Paliwanag pa ni Santiago, matagal na nilang pinagha-handaan ang mga gagawing security plan sa pagdating ni Guo pero hindi nila ihahayag sa publiko kung anong klaseng security measures ang kanilang ipatutupad upang ma-bigyan ng proteksyon si Guo.

Sinabi pa ni Santiago na para maitago ang identity ni Guo, nagpaputol ito ng kanyang buhok base narin sa pahayag ng Indonesian Government para hindi makilala ng mga humahanap sa kanya na otoridad.

Si Guo ang sentro ng pagdinig sa Senado dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa sinalakay na POGO sa Pampanga.

Kaugnay nito, tiniyak din ng Department of Justice (DOJ) na haharapin ni Guo ang lahat ng reklamo at kasong nakabinbin laban sa kanya.

May arrest warrant si Guo sa Senado dahil sa hindi nito pagsipot sa mga pagdinig kaugnay sa iligal na POGO.

Nahaharap din si Guo sa reklamong ‘graft and corruption’ sa Office of the Ombudsman, dahilan upang masibak ito sa pwesto bilang alkalde.

Mayroon din kinakaharap si Guo na qualified human trafficking, tax evasion, at money laundering.

Habang may kaso rin si Guo sa Commission on Elections (COMELEC) dahil sa material misrepresentation at may kinakaharap pang Quo Warranto petition mula sa Office of Solicitor General dahil sa kuwestyunableng citizenship. (Mark Obleada/Boy Celario/Jocelyn Domenden)