Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan, misis sugatan sa ambush

0 11

Advertisers

SUGATAN ang isang barangay kapitan at misis nito nang tambangan sa isang barangay road sa Purok 1, Barangay Salumay, Marilog District, Davao City, Martes ng umaga (September 3, 2024).

Kinilala ang mga biktima na sina Alma Mansamo, at Lito Mansamo, barangay chairman ng isa sa mga barangay sa Marilog District.

Ayon sa Marilog Police Station, sakay ng kanilang Mitsubishi pick-up truck ang mag-asawa nang harangin ng mga lalaking armado at agad pinagbabaril.



Mabilis na nakatakas ang mga salarin.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng bigong pananambang sa mag-asawa.