Advertisers

Advertisers

CLEARING OPERATIONS AT PAGBABALIK NG POWER SUPPLY, INAAPURA — MARCOS

0 6

Advertisers

NAGDODOBLE-KAYOD na ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa clearing operations sa mga kalsada at pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyong Enteng.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakatutok ang mga team mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Energy (DOE) para tugunan ang mga nasabing problema.

Kasabay nito, hinikayat din ng Pangulo ang mga mamamayan ng Ilocos, Cordillera, Nueva Vizcaya, Quirino, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Kanlurang Visayas, Isla ng Negros, at Hilagang Samar na sundin ang mga payo ng mga lokal na awtoridad at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng bawat isa.



Ibinida naman ni PBBM na tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo. (Gilbert Perdez)