Advertisers

Advertisers

Ex-warden itinuro si Duterte nagpapatay sa 3 Intsik

0 26

Advertisers

KINUMPIRMA ni Supt. Gerardo Padilla na inatasan ng isang “mataas na opisyal” ang noo’y opisyal ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Royina Garma na iligpit ang tatlong Chinese drug lords sa loob ng isang selda sa Davao Penal Farm.

Sinabi ito ni Padilla sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Quad Committee tungkol sa ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte nitong Miyerkules.

“Hindi ko naman ini-implicate pero hawak po sila ng mas mataas,” ayon kay Padilla.



At nang tanungin ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante kung ang tinutukoy niyang “higher person” ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang sagot ni Garma: “Yes, your honor.”

Dahil dito, ipinatawag ng Quad Comm si Padilla sa isang executive session.

Ang pahayag ni Padilla sa pagdinig nitong Miyerkules ay bilang pagbawi sa kanyang unang testimonya na wala silang alam sa naganap na pagpatay kina Chu Kin Tung, Li Lan Yan, at Wong Meng Pin.

“Ibig sabihin, hawak po si Chief Garma ng mas mataas. At ang mas mataas diyan ay ang dating Pangulo. Tama ho ba ako?” tanong ni Abante.

“Yes, your honor,” sagot ni Padilla, na kasalukuyang nasa detention facility matapos i-cite in contempt ng Quad Committee dahil sa pagsisinungaling sa mga unang pagdinig sa isyu.