Advertisers

Advertisers

Otom pang-anim sa Paris Paralympics 50m backstroke

0 8

Advertisers

HINDI nagbunga ang pagsisikap ni Filipino swimmer Angel Mae Otom para makamit ang podium finish sa Paris Paralympics Miyerkules.

Nagrehistro ng oras na 44.00 seconds para magtapos na pang-anim sa the women’s 50-meter backstroke S5 final sa La Defense Arena.

Gaya ng inaasahan, Nasilo ng Tokyo Paralympics champion Lu Dong ng China ang korona sa oras na 37.51s. Siya ang may hawak ng world at Paralympic rekord na 37.18s.



Ang kanyang kababayan na si He Shenggao (39.93s) ang umangkin ng silver at Liu Yu (42.37s) ang naguwi ng bronze.

Turkiye’s Sumeyye Boyaci (43.30) ang fourth kasunod ang Great Britain’s Tully Kearney (43.40).

Sevilay Ozturk (44.19), na taga Turkiye rin , at Ukrainian Iryna Poida (44.29) ang seventh at eighth, ayon sa pagkakasunod.

Otom, na third-year irregular student sa UP-Diliman College of Human Kinetics, qualified para sa final matapos malagay sa fourth sa Heat 1 (44.03). Nagtala siya ng personal best time na 42.00 sa World Series sa Singapore nakaraang taon.

May natitira pang event si Otom,ang 50m butterfly naka-iskedyol sa Setyembre 6.



Ang native ng Olongapo City ang huling pag-asa ng bansa para mag-uwi ng medalya matapos ang kapwa swimmer Ernie Gawilan ay ranked sixth sa 400m freestyle S7 event.

Gawilan, na lumaki sa Davao City, ay nabigong makarating sa 200m individual medley SM7 final.