Advertisers

Advertisers

PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na binaha sa Marikina at Antipolo

0 16

Advertisers

NAGSAGAWA ng aerial inspection nitong Miyerkules si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lugar na binaha sa mga lungsod ng Marikina at Antipolo sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Enteng (Yagi).

Ininspeksyon ni Marcos ang mga lugar matapos magsagawa ng situation briefing tungkol sa epekto ni Enteng sa mga kinauukulang opisyal ng gobyerno sa headquarters ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Quezon City.

Mag-iinspeksyon din sana siya sa mga lugar na binaha sa Bulacan ngunit hindi natuloy dahil sa sama ng panahon.



“’Yung Bulacan, hindi na natin napuntahan (We were not able to go to Bulacan). At least, we’re able to look at Antipolo and Marikina. Hanggang sa kaya natin iyon,” sabi ni Marcos sa inspeksyon.
Aniya, ang overpopulation, blocked drainage system, problema sa basura at deforestation ang nag-trigger ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar sa Luzon.

Sinabi niya na gagamitin ng kanyang administrasyon ang malakihang development flood control program na sinimulan ng gobyernong Aquino bilang isang “base” upang mahanap ang mga solusyon na may “pinaka agarang epekto” upang mabawasan ang mga baha.

Aniya, ang proseso ng pag-impound sa mga dam at river basin ay nakikitang solusyon upang maiwasan ang pagbaha lalo na sa Metro Manila.

Tungkol sa deforestation, sinabi ni Marcos na ang gobyerno ay kailangang maging “mas mahigpit tungkol dito.”

Dapat aniyang tiyakin ng gobyerno na naipapatupad ang mga batas sa pangangalaga sa kapaligiran. (Vanz Fernandez)