Advertisers
NASAWI ang isang miyembro ng Traffic Management unit (TMU) nang madisgrasya habang hinahabol ang isang traffic violator sa Magpet, Cotabato.
Kinilala ng Magpet Municipal Police Station ang nasawi na si Edmar Tecson Balbuena, na nagtamo ng head injury sa aksidente.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinubukang harangin ni Balbuena ang isang pampasaherong jeep dahil sa ginawang pag-pickup ng pasahero sa gitna ng kalsada at wala sa designated area, subali’t bigla umanong humarurot ang jeep kung kaya’t hinabol niya ito.
Sa kasawiang palad, nasagi si Balbuena ng isang motorsiklo, dahilan para magtamo ito ng sugat sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.