Advertisers
NASA mahigit P300k halaga ng shabu at isang baril ang nasabat sa dalawang drug suspects sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief PCol. Paul Jady Doles ang naaresto na sina alyas Hasan, 23; at alyas Budok, 26, kapwa residente ng Tala, Brgy. 188.
Sa report, 9:33 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Tatiana St., corner Kaagabay Road, Brgy. 188.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 55 grams ng shabu na may standard drug price value na P374,000 at buy bust money habang ang isang caliber .38 revolver na kargado ng bala ay nakuha kay ‘Hasan’
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin pa ni ‘Hasan’.Beth Samson)