Advertisers

Advertisers

BABAENG GURO TULAK NG SHABU, TIMBOG!

0 13

Advertisers

ARESTADO ang isang babaeng guro nang mabilhan ng P1 million halaga ng shabu ng anti-illegal drugs agents sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay, Biyernes ng gabi.

Sa ulat nitong Sabado ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement-9, nasa kustodiya na nila ang guro na si Gemma Lahaman Isnain, nahuli sa Purok Masigla, Barangay Poblacion.

Bagama’t kanilang kinumpirma na isa itong guro, hiniling ng mga opisyal ng PDEA-9 na huwag nang ihayag kung saan nagtuturo si Isnain, na taga Barangay Kong-Kong, Laminusa sa Siasi, Sulu.



Inaresto si Isnain nang magbenta ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 million sa magkasanib ng agents ng PDEA-9 at mga operatiba ng Ipil Municipal Police Station at ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office.