Advertisers
NASAWI ang isang lalaki at isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng kaalitang pulis sa Barangay Banaban 3rd, Angat, Bulacan, Sabado ng gabi.
Sa report na nakarating sa tanggapn ni OIC PNP Provincial Director, Colonel Satur Ediong, kinilala ang pulis na si Patrolman Renzie Paul Sagums, 29 anyos, nakatalaga sa Doña Remedios Police Station, at residente ng Brgy. Camachile sa bayan ng DRT, habang ang biktima ay nakilalang si Wallie del Torre, 33 driver; at sugatan naman sa tama ng bala ng baril ang kapatid na si Welbert, 37, kapwa ng Brgy. Banaban 3rd.
Sa report, 11:55 ng gabi ng Setyembre 7, 2024 nang maganap ang pamamaril sa mag-kapatid.
Nabatid na masayang umiinom ng alak ang magkapatid nang dumating ang pulis, at nauwi sa mainitang pagtatalo nina Wallie at Pat. Ranzie. Maya maya pa ay pinaputukan ng ilang beses ng pulis ang biktima, habang tinamaan din sa pamamaril ang kapatid nito.
Matapos ang pamamaril, agad umalis ang pulis, subali’t agad itong nadakip ng mga rumispondeng pulis. (Thony D. Arcenal)