Advertisers

Advertisers

Sugarol na pari kinotongan ng P2m ng 2 kabaro

0 21

Advertisers

IPINAGHARAP ng reklamo ng isang pari ang kaniyang dalawang kapwa pari at isa pang kasama ng mga ito nang kotongan ang una ng halagang P2 milyong kapalit nang hindi pagpapakita ng larawan nito habang nagsusugal.

Pormal na nagreklamo noong Lunes ng umaga sa Lucban, Quezon Municipal Police Station ang pari hinggil sa kasong extortion na nangyari mismo sa loob ng isang parokya sa Quezon.

Ayon sa nagrereklamong pari, July 3 noong 2018 nangyari ang extortion nang puntahan siya ng dalawang pari at ng isa pang lalaki at hinihingan siya ng dalawang milyong piso. At kung hindi siya magbibigay ay ikakalat nila, ipo-post sa social media, ang larawan na nakunan habang ito ay naglalaro sa loob ng casino sa Macau kasama ng isa pang mataas na opisyal ng simbahan sa Quezon.



August 6 nang taon ding iyon, napilitan ang biktimang magbigay ng 2 milyong piso sa mga kasamahan para makaiwas sa kontrobersya.

Nangyari ang transaksyon sa isang restaurant sa Magallanes, Makati City.

Hinihintay pa ng mga awtoridad kung tuluyang magsasampa ng kaso ng nabiktimang pari.