Advertisers

Advertisers

10 huli sa human trafficking

0 29

Advertisers

Nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 katao na sangkot sa human trafficking, cybercrime, at violation against women gamit ang platform na Telegram.

Sinabi ni NBI Director Jaime Judge Santiago, (Ret) ang mga nadakip na suspek na sina Shuang Yuan Wang, Shao Jian Yong , Fung Jie Sin, Huang Qi, Huang Shuai, Liu Ze Jun at Rochelle Y Maglanque Magat, Ma Jessica Buenaventura, Justin Y Caladiao Cao at Faiudz Y Abdula Maguindao ay nahuli sa Shore Residences Pasay City.

Nabatid kay Santiago na sa naturang operasyon 27 ang naisalbang mga biktima at 6 mga minor na nai-turn over na sa DSWD para sa kaukulang custody.



Kaugnay nito dalawa pang suspek na sina Chresto Jun Saligumba Y Denso at Renier delos Reyes Y Castillano ang nahuli din ng NBI gamit ang Facebook account na “SLIM” na may sex trade sa mga Pinay minors.

Nahaharap ngayon ang mga nasakoteng suspek ng kaso ng paglabag sa Anti Trafficking in Person Act of 2022 at Cybercrime prevention Act of 2012. (Boy Celario)