Advertisers
Nabuo na ang kumpletong listahan ng mga local candidates ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Maynila na siyang sasabak para sa darating na 2025 May elections.
Pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,Jr., ang PFP, at si Atty Alexander T. Lopez, ang tumatayong Chairman ng Partido Federal Ng Pilipinas.
Nagkaisa ang pamunuan at mga miyembro ng PFP, sa mga pinili nilang kandidato at batid nilang pawang mga karapat dapat na manungkulan para sa Lungsod ng Maynila.
Ihahayag na ang kumpletong lista nito sa mga darating na araw.
Sa mga naturang kandidato ng PFP sa Maynila, napakahalaga ng papel na gagampanan ng tatayong ‘ulo’ nito o ang tatakbong alkalde ng lungsod.
Kaya isang tapat at may malasakit sa mga Manilenyo, na kayang ibangon muli ang nalugmok na Maynila sa kahirapan ang pinili ng PFP.
Hinanapin din ito ng Partido Federal ng Pilipinas ng ‘tamang’ katandem o bise alkalde, na may sapat na kaalaman para mapatakbo ng maayos ang konseho ng Maynila, na katuwang ang mga konsehal ng anim na distrito ng lungsod.
Inaasahan ng PFP, na susuportahan ng mga Manilenyo ang kanilang mga manok para sa lungsod ng Maynila sa May 2025 polls tulad ng ginawa nilang pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos.
Mabuhay ang ‘Bagong Pilipinas’!