Advertisers
NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) – Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang drug suspects at nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang P748 milyon halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation sa Imus City, Cavite nitong Lunes.
Sinabi ni PDEG Chief, Brigadier Gen Eleazar Matta, naganap ang buy-bust operation 6:26 p.m. sa Lavender St., Barangay Pasong Buaya II, Imus, at nadakip ang dalawang suspek na isang 37-anyos na lalaki na naninirahan sa Pasong Buaya II; at isang 26-anyos na lalaki mula sa Dasma 4, Salawag, Dasmariñas City.
Sinabi ni Matta, na nakasaksi sa operasyon, na nasamsam ng mga operatiba ng PDEG ang kabuuang 110 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P748 milyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG Special Operation Unit 4A (Calabarzon) ang mga nadakip para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.(Koi Laura/Mark Obleada)