Advertisers
Nasa 180 PNP Tactical Motorcycle units ang sa buong lalawigan ng bulacan ang dumalo at nakiisa sa launching ng proyekto sa Camp General Alejo Santos sa Malolos City.
Ayon kay OIC PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong ang mga Dedicated na Rider Forces (DRF) ang tutugon sa mga nagaganap na kriminalidad sa 24 na bayan kabilang ang apat na lungsod sa Bulacan.
Sinabi ni PLt.Col. Librado Manarang S3 ng probinsya, armado ng mahaba at maikling baril ang mga pulis na naka focus sa mga business establishments o convinience store, gas Station at jewellery shops, na karaniwang target ng mga Kawatan.
Nabatid na highly dedicated sa tactical skills, na magbibigay ng siguridad sa ibat-ibang bayan.
Aniya, nasa 3 hanggang 5 minuto lamang agad makakaresponde ang mga pulis kung saan mayroong kaganapan.
Ayon naman kay Atty. Nikki Coronel, na kinatawan ni Gobernor Daniel Fernando, malaki ang maitutulong ng mga rider forces sa pagbibigay ng proteksyon sa mga ordinaryo at negosyanteng bulakenyos.(Thony D. Arcenal)