Advertisers
Nagalak ang mga Manilenyo ng kumalat ang balita na mayroon ng kumpletong listahan ng mga tatakbong manok para sa Maynila ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Ayon sa mga mamayan ng Maynila, tanging ang itutulak ng PFP lamang ang kanilang pagkakatiwalaan ngayon na pamumuan ang lugmok na lungsod ng Maynila.
Anila, naranasan nilang walang naging magandang pagbabago nitong nagdaan mahigit dalawang taon sa liderato ng kasalukuyang administrasyon ng Maynila, kaya inaasahan nilang kung ang ‘manok’ ng PFP ang mauupong alkalde ng Maynila may malaki at magandang pagbabago itong malilikha para sa kapakanan ng lungsod at ng mga Manilenyo. At tiyak din nila na susundan ng ‘manok’ ng PFP ang yapak ni PBBM nang iayos nito ang bansa.
Belib ang mga Manilenyo na malakas ang magiging ‘suntok’ ng manok ng Partido Federal ng Pilipinas sa Maynila.
At isa lamang ang kanilang isinisigaw na taga PFP ang dapat mamuno sa lungsod ng Maynila.