NBI Director Santiago nagbabala sa mga tatakbong gamit ang illegal funds
Advertisers
NAGBABALA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga kakandidato sa 2025 elections na gagamit ng pondong galing sa mga illegal sources.
Sa kanyang pagharap sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association, sinabi ni Santiago na mananagot ang sinumang kandidato na mapapatunayang tumanggap o gumamit ng pondo mula sa illegally-sourced funds tulad ng POGO.
Nanindigan si Santiago na walang sasantuhin ang kanyang babala.
“Mag-ingat po sila…wala kaming sasantuhin kahit na sino pa ‘yan,” pahayag ng NBI chief.
“Basta galing sa iligal, eh bawal po ‘yan,” dagdag pa ni Santiago
Ipinaliwanag ng retired judge na ang illegal funds ay hindi nangangahulugan na sa POGO lamang magmumula. Ito ay maaari ding magmula sa drug trade, prostitution, illegal gambling at iba pa. (ANDI GARCIA)