Advertisers
Sibol Dota 2, ang national team sa gaming title Dota 2, ay kuwalipikado para sa International Esports Federation (IESF) World Esports Championship 2024 matapos mangibabaw sa SEA/South Asia qualifiers.
Ginapi ng pangkat ang Malaysia, India, at Nepal sa paligsahan para walisin ang group stage.
Ang main tourney ay gaganapin sa Nobyembre 11 hanggang 19 sa Riyadh, Saudi Arabia.
May prize pool na US$160,000 at itatampok ang round-robin group stage at double-elimination playoffs.