Advertisers

Advertisers

AiAi nabatikos sa pagsuporta sa ina ni Caloy

0 11

Advertisers

Ni Archie Liao

HINDI napigilan ni AiAi delas Alas na makisawsaw sa isyu ng sigalot sa pagitan ng mag-inang Angelica at Carlos Yulo.

Sey niya, gusto raw niyang tulungan ang nanay ng two-time Olympian gold medalist sa pamamagitan ng pagsuporta sa ginagawa nitong live selling.



Aniya, mananatili raw siyang Team Nanay o nasa side ng nanay ni Caloy.

Caption niya sa kanyang FB account: “Nakita ko sila may nag send saken sa messenger … kelan kaya ulit live selling nila ?..bibili ako .. support ko live selling nila … #teamnanay #madamingmadami #letsgomudrakels #labansabuhay”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang kanyang naging post.

May netizens na pinupuri ang kanyang pagtulong at pagsuporta kay Mommy Angelica.

Pero meron din namang binatikos ang aktres sa diumanoý pagiging one-sided nito dahil sa pagkampi nito sa madir ng atleta.



Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Yes to team nanay”

“Tama po yan . Support tayo kay Nanay.”

“sana ginaya na lang ni carlos si sen. pakyaw tinulungan makaahon sa hirap mga kapatid at nanay dionesia kaya may blessed si sen. pakyaw… good luck na lang sayo caloi.”

“Support Karin namin madam ai para madami kapang matulungan ?”

“Im so disappointed by your actions, supporting parents who repeatedly shame their own son publicly, instead na manahimik and do it privately…. oh well im sure you like those kind of people. I used to watch all your shows….. will not anymore.”

“Isang ina din ako Ms. Ai. Pero kalabisan naman na ipapahiya ang anak sa buong mundo. Very very wrong. Mahirap maging one sided Ms. Ai. Ikaw ba kaya mo ipahiya anak mo?. Sobrang bilib ako sa nagdala ng karangalan sa ating bansa dugo at pawis pinuhunan nya para makamit ito. Never ako hahanga sa taong halos tanggalan ng ulo ang anak sa buong sambayanan. Kung ganyan din ang mindset mo Ms. Ai mababawasan paghanga ko sayo.”

“Team caloy lng lakas talaga.”

“Sila talaga dapat tulungan kasi nag sisikap sa buhay.??”