Advertisers
Ni Rommel Placente
GALIT na galit kay Dennis Trillo at halos ipako na siya sa krus ng mga manonood dahil sa kasuklam-suklam na pagganap niya bilang si Col. Yuta Saitoh sa Pulang Araw ng GMA 7.
First time gumanap ni Dennis ng major-major kontrabida sa isang serye na siyang namumuno sa Japanese forces na sasakop sa Pilipinas.
Pero sino nga ba ang peg ni Dennis sa pagganap niyang kontrabida sa “Pulang Araw” na kinaiinisan ng mga manonood at halos isumpa na ng mga netizens
“Sa totoo lang, wala talaga akong nag-iisang role model. Ang importante lang doon ay ‘yung nahanap ko ‘yung boses ni Yuta
“Napakaimportante niyan para sa isang karakter na bukod sa look, e, makahanap ka rin ng boses na babagay doon sa look and doon sa karakter ko lalo na nagsasalita ng Hapon ‘yung character ko ngayon,” ang pahayag ni Dennis sa panayam ng GMA Network.
“Mas naghanap ako ng mga peg na boses at kung paano talaga makakasalita because ‘yun ‘yung mga Japanese na lines.
“Kadalasan, marami akong pinanonood ng mga Japanese na movies nilalagyan ko lang ng mga subtitles pero pinapalitan ko ‘yung audio para makuha ko ‘yung tamang intonation o pag-pronounce nila,” aniya pa
At sa lahat naman ng manonood na galit na galit sa karakter ni Dennis, “Masasabi ko sa inyong lahat, ‘Thank you sa pananood at nararamdaman ko na effective ‘yung ginagawa ko dahil kiniinisan ninyo ako.
“Pero ‘yun talaga ang gusto kong maramdaman ninyo. Kaya abangan n’yo pa ‘yung mga susunod na mga mangyayari, mas lalo pa kayong maiinis sa akin and sana kahit nainis kayo, huwag kayong bibitiw sa pananood,” lahad ng aktor.
***
SA guesting ni Bearwin Meily sa vlog ni Karen Davila ay marami siyang rebelasyon tungkol sa kanyang personal life kabilang na ang matitinding challenges na hinarap niya noong kabataan niya hanggang nitong nagkaroon na siya ng sailing pamilya.
Feeling ng veteran comedian, malaking bahagi ng naging buhay niya noon ang pinagmulan na pamilya.
Aminado si Bearwin na hindi kagandahan ang mga naging karanasan niya habang nagkakaedad
“Magulo, sobrang gulo, 11 kaming magkakapatid, iba-iba ang nanay namin. That’s father side, apat ‘yung nanay namin,” pahayag ng beteranong komedyante
Patuloy pa niya, “Apat ‘yun. Sa pangatlong asawa, isa lang ako, so doon struggle ako, ‘yung pagiging fair ng magkakapatid sa family ‘yung iba tatlo, iyung iba lima, ako isa lang.
“Ang mommy ko, nagkaroon ng tatlong asawa. So mayroon din akong mga kapatid doon apat,” pag-amin pa ng aktor.
Patuloy ni Bearwin, “Ang life ko, hindi siya parang basketball na dini-drible lang. Para siyang tennis punta ako doon, punta ako dito, so kung saan-saan ako binabato ng mundo.”
Inamin din ni Bearwin na nalulong siya sa sugal,droga at naging babaero.
Pero iniwan niya na ang kanyang mga bisyo at nagbalik-loob sa Panginoon.
Katuwa si Bearwin at least nagbago