Advertisers

Advertisers

NAGTAGO KAY QUIBOLOY KAKASUHAN – PNP

0 31

Advertisers

Ipaghaharap  ng kasong “obstruction of justice” ng Philippine National Police (PNP) ang mga individual na tumulong sa pagtatago ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa nito akusado.

Ayon kay PNP Chief Gen Rommel Marbil, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy ang mga individual 

na tumulong o nasa likod ng pagtatago kay Quiboloy upang maiwasan ang mga otoridad.



Aniya, hindi umano nila ito papalagpasin at dapat umano matukoy ang mga taong ito upang papanagutin sa batas.

“We will not tolerate any form of obstruction to justice. Our investigation aims to identify those who knowingly provided refuge to Quiboloy, and we will ensure they face appropriate legal consequences,” pahayag ni Marbil 

Nahaharap si Quiboloy at 5 pa mga kapwa akusado sa kasong child sexual abuse at qualified human trafficking na naaresto ng mga otoridad sa compound ng KOJC noong nakaraan LInggo matapos ang 16 araw sa paghahain ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte.

Binigyaan diin ni Marbil na hindi umamo makapagtatago si Quiboloy ng hindi umano ito tinulungan  ng kanyang mga close associates kabilang ang legal representive upang iligaw ang mga otoridad sa kinaroroonan ng nasabing Pastor.

 Isinaad ni Marbil na ang kasong “Obstruction of justice”, isang seryosong kaso na mayroon karampatan parusa.



“The law is clear—no one is above it, and those who helped Quiboloy will be held accountable,” saad ni Marbil.

Nauna nang inihayag ni Interior and Local Governmet Secretary Benhur Abalos Jr., na papanagutin ang sinomam indibiduwal na tumulong  sa pagtatago ni Quiboloy-upang maiwasan nito ang mga naghahanap na mga otoridad.(Mark Obleada)