Advertisers
Pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang 46-anyos na guro sa loob ng bahay sa Brgy. Mandog sa Maasin, Iloilo noong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Ian Clementir, isang guro ng Dagami national high school.
Sa report, nakikipaglaro ang biktima sa kaniyang apat na anak nang pumasok ang lasing na salarin sa kanilang bahay at inatake siya ng saksak.
Nakatakbo naman ang kaniyang mga anak sa kanilang kwarto habang ang kaniyang asawa na naghahanda ng pagkain, tumakbo palabas ng bahay upang humingi ng tulong.
Naaresto ang salarin ng mga rumespondeng tanod.
Ayon sa salaysay na ibinigay ng salarin sa Maasin PNP, napagkamalan lamang nito ang biktima na kanyang nakaalitan noong nakaraang buwan sa lugar at hindi nito nakilala dahil sa sobrang kalasingan.
Kulong na sa Maasin PNP ang salarin at nakatakdang sampahan ng kasong murder.