Advertisers
Matindi umano ang ‘double standard’ ng gobyernong Marcos Jr. pagdating sa war on POGOs.
Imbes tuloy maniwala ang taongbayan sa sensiridad ng pamahalaan para ipasara ang mga ito (POGOs),lumalabas na kumpitensiya sa negosyo ang pangunahin at tanging dahilan ng crackdown.
Ayon sa sources ng inyong lingkod,may ilang untouchable operators ng POGO na nag-o-operate sa Island Cove sa Cavite, Pasay City,Mandaluyong at Paranaque.
Alam naman natin na ang Cavite ay balwarte ng mga Remulla samantalang ang Mandaluyong naman ay ng mga Abalos na kapwa miyembro ng gabinete ni Marcos Jr.
Ang mabigat na impormasyong nakuha natin dear readers ay tungkol sa mga na- rescue kuno na mga banyagang POGO workers sa ginawang raid sa Isang POGO hub sa Las Pinas City ng nagdaang mga buwan.
Sa halip kasing i- deport ang mga ito pabalik ng kanilang bansa,inilipat lang umano ang mga dayuhang ito sa binansagan ngayong untouchable POGO ISLAND sa Cavite para doon magtrabaho.
Ano kaya ang masasabi dito ng mabunying hepe ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) ex-general Gilbert Cruz?
Tila magkaiba ang talim ng pangil ng tanggapan ni Cruz pagdating sa mga POGOs na nasa hurisdiksyon ng Cavite,Mandaluyong at Pasay City?
Nababahag nga ba ang buntot at nagkaka- nerbiyos itong si Cruz pag mga POGOs sa mga lugar na ito ang pinag- usapan?
Ang matindi ay itong nasa Pasay kung saan naroroon din sa nasabing lungsod ang punong tanggapan ng PAOCC.
Bakit di salakayin ng PAOCC ang MetLive,Double Dragon at ilan pang gusali dyan sa
Macapagal at Diokno boulevards areas?
May aatungal ba Use .Cruz sir?
Selective nga ba ang war on POGO ng administrasyong Marcos Jr ?
Obvious na dinudurog lamang ay yaong mga kakumpitensiya at walang pakinabang?
Hindi po ba Madam LAM?
Nasaan na ang mga pagyayabang ng Pangulong bulaan ( pathological liar) sa kanyang SONA na buong kagitingang nagpahayag sa harap ng sambayanan na inihihinto nito ang lahat ng POGO operations effective that day!
Ano yun?
Lip service lang ng sinungaling na Presidente!
Makailang beses na bang buong kakapalan ng mukhang nagsinungaling si Marcos Jr. sa harap ng sambayanang Pilipino?
Ang matindi,dokumentado ng media sa pamamagitan ng mga video footages ang mga kasinungalingang ito na layong patuloy na lokohin at paikutin nang harap- harapan ang mamamayan.
Tingnan na lamang natin sambayanang Pilipino kung hanggang kelan kakayaning tiisin ng militar ang kalapastangang ginagawang ito ng buktot na gobyernong Marcos Jr sa bayan at sa mamamayan!
Para sa Diyos at bayan!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com