Advertisers

Advertisers

Kumukutitap 4 ni QC VM Sotto, umarangkada na

0 52

Advertisers

Ikaw ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong galing o talento sa paggawa ng parol (lantern)?

Kung mayroon kang taglay nito, ilabas na iyan at sumali sa paligsahan sa paggawa ng masasabing authentic na parol.

Malay mo ikaw ang tatanghaling kampeon at mag-uuwi ng papremiyong P30,000 (cash). May pangpasko ka na at ang inyong pamilya – noche buena at media de noche. Ayos hindi ba?



Tinutukoy natin paligsahan ay ang isa sa programa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto – 4th Christmas Parol Making Contest. Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng residente ng lungsod.

Ang tema ng paligsahan ay “Kumukutitap 4: Maningning na Pasko ng Pamilyang Pinoy.” Katuwang ng opisina ni Sotto sa proyekto ay ang ETON Centris at ETON Properties Philippines Inc.



Sa mga nais na sumali kinakailangan na ang kanila isusumiteng o ilalaban na parol ay yari sa recycled materials. Oo, kailangan 80 hanggang 100 porsiyento ay gawa sa recycled materials. Bukas na ang pagsumite ng entry ha at magtatapos sa Nobyembre 8.

Heto pa ang good news sa paligsahan – ikaw na magwawagi ng first place sa halagang P30,000 ay makatutulong din sa inyong barangay dahil ayon kay Sotto ay makatatangap din ang inyong barangay ng hiwalay na P30,000 cash. Ayos, huwag lang ibulsan ni Kupitan este Kapitan.



Habang ang ikalawa at ikatlong manalo ay makatatangap ng P20,000 at P15,000, ayon sa pagkakasunod. Siyempre gayundin ang kanilang barangay.

Sa kabuuan ng mga maisumiteng entries, mamimili din dito ng 20 surprise winners kung saan makatatanggap sila ng tig-P5,000 cash. Ayos na ayos, walang katalo-talo sa paligsahan na ito. Makasali nga Vice, sayang din ang pagkakataon. Hehehehe. Minsan nanalo na ako niyan – first place. Third year high school ako noon.

Ang entry – parol ay kinakailangan nasa 4’x4’ ang sukat nito, nasa apat na kilo ang timbang at battery-operated o solar-powered ang mga pailaw kung saan ang mga bulb ay nasa maximum 30 watts.

Heto ang isa pa sa mahalaga..entries should not contain any political affiliation, statements, or advertisements.

Habang ang judging criteria ay naaayon sa tema (10 percent), craftsmanship at durability (20 percent), materials use (10 percent) at creativity at originality (30 percent).

O ano pang ginagawa mo diyan..
oo, ikaw na taga QC na may taglay na galing. Sali na kaysa nakaistambay ka lang diyan sa kanto at naghihintay sa wala. Sali na!

Pasko na sa ‘Pinas….I love Philippines talaga…kakaiba tayo sa pagselebra sa paggunita sa Kaarawan ng atin Tagapaglista, Jesus Christ our Lord and Savior.