Advertisers
TULUYANG hinukay ni Sara Duterte ang sariling libingan nang tumanggi siyang sumumpa at magbigay ng paliwanag tungkol sa bintang na pagwawaldas ng salapi ng bayan na binitiwan ni Kin. Rolly Valeriano ng ikalawang distrito ng Manila sa isang madamdaming privilege speech noong ika-3 ng Septiyembre.
Tulad ng naunang pagtanggi na bigyan ng linaw ang mga kuwestiyonableng paggastos ng budget ng OVP, sinabi ni Sara na wala sa tamang direksyon ang Committee on Good Government na pinamumunuan ni Kin. Joel Chua ng pangatlong distrito ng Manila sa pagdaos ng pagdinig hinggil sa privilege speech ni Valeriano. Tumanggi siyang sumumpa sa komite.
Malinawag na nais ni Sara na umiwas sa anuman pananagutan hinggil sa mga kuwestiyonableng paggastos ng OVP sa P125 milyon na confidential fund sa loob ng 11 araw. “There is lack of any proposed legislation or any substantive matter for discussion,” ani Sara. Hiningi niya na tapusin ng komite ang pagdinig. Isang kahangalan ito dahil wala siyang poder na humingi ng pagtatapos ng anuman pagdinig.
Inamin ni Sara na hindi naka-focus ang public hearing sa OVP budget kundi layunin nito na gumawa ng magiging batayan upang isampa ang recklamong impeachment para sa kanya. Mabuting inamin ni Sara ngunit mukhang hindi niya alam na nakaamba na ang impeachment complaint sa kanya. Maaaring isampa ito anumang oras mula ngayon.
Pagkakataon ni Sara na liwanagin sa bayan kung ano ang ginawa niya sa P125-M na confidential fund noong 2022. Pagkakataon na ibigay ang kanyang panig hinggil sa Notice of Disallowance (ND) na ibinigay ng Commission on Audit sa P73-M bahagi ng confidential fund. Nawala ang ginintuang pagkakataon. Tuluyang nabalutan ito ng matinding alinlangan na hindi niya ginastos ang salapi ng maayos.
Tuluyang pinagtibay ni Sara ang paniwalang ninakaw niya ang salapi. Tama si Sara na sa husgado na lang siya magpaliwanag. Ngunit dala ng matinding kapalaluan at kamangmangan, hindi siya sa komite ni Chua sa Camara magpapaliwanag. Mabuting sa Senado na siya magpaliwanag sa sandaling binuo ito bilang isang impeachment court.
Sabi ni Jojo Clemente, isang neizen: “I don’t understand her logic. If her expenditures were aboveboard and easily explained, why be defensive about it? She should show the receipts and be able to explain where the budget went. If there are no anomalies, then all should be good. By being defiant, something’s off.”
***
MADIING itinaggi ni ‘Bato dela Rosa na hindi siya ang dating hepe ng PNP na tumanggap ng suhol upang tulungan si Guo Hua Ping, alyas Alice Guo, at mag kapatid upang tumakas sa Filipinas. Batay ang sagot ni Bato sa testimonya ni retiradong Hen. Raul Villanueva na batay sa mga impormasyon na nakalap ng intelligence community, isang dating hepe ng PNP ang tumanggap ng suhol upang tulungan si Guo na tumakas.
Hindi binanggit ni Villanueva ang pangalan ng PNP chief kahit na inamin ni Guo na nagbigay siya ng P200 milyon bilang suhol sa pagtakas. Alin kaya sa mga dating hepe ng PNP sa ilalim ng administrasyon ng Duterte at Marcos: Ronald Dela Rosa; Oscar Albayalde; Archie Gamboa; Camilo Cascolan; Debold Sinas; Guillermo Eleazar; Dionardo Carlos; Vicente Danao (OIC); Rodolfo Azurin; Benjamin Acorda at Emmanuel Peralta (OIC).
***
NILINAW ni Quad committee chair at Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers na pugante sa ngayon si dating presidential spokesman Harry Roque na kasalukuyang nawawala. Kailangan maaresto siya bago siya humingi ng anumang relief mula sa Korte Surepema, ani Barbers.
Biglang nawala si Harry kahit itinatanggi niya sa isang post sa Facebook na hindi siya pugante. Itinatanggi ito ni Harry Roque. Hindi daw siya susuko. Natatawa lang kami dahil hindi namin kilala si Harry na ganyang matapang. Ang alam namin ay madali siyang sumuko sa kinang ng salapi. Dati siyang human rights lawyer ngunit mukhang nabili ni Gongdi. Sa ngayon, fixer siya ng mga POGO. Iyan ang opinyon namin sa kanya.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Harry Roque stayed overnight at the House detention, halos mabaliw na. Quiboloy wants a hospital arrest citing no internet, tv etc at PNP custodial center. He might get lonely daw. In contrast, Leila suffered 7 long painful years in the PNP detention. She endured it like a man.” – Mac Zamora, netizen, kritiko
“Rodante Marcoleta is allergic to transparency and accountability. The Filipino people deserve to know how the public funds have been utilized. Hindi mo naman pera yan — pera ng taumbayan ‘yan.” – Deo Enalpe, netizen
Come to think of it, the criticisms on Harry “The Queef” Roque stem from a single basic fact: He is on the wrong side of history.
***
Email:bootsfra@gmail.com