Advertisers

Advertisers

“DUGONG ALAY PANGDUGTONG BUHAY”, BIRTHDAY GIFT NI SEN. REVILLA SA MGA PILIPINO!

0 33

Advertisers

Kasabay ng nalalapit na ika-58 kaarawan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., pinangunahan nito ang “bloodletting” program sa lungsod ng Quezon.

Ito’y na tinaguriang “Dugong Alay Pangdugtong Buhay” na taunang blood drive ng Senador.

Ang ika-15 installment na partnership ng mambabatas sa “Dugong Alay Pangdugtong Buhay” ay sinaksihan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.



Daan-daang tao ang pumila sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City para mag-donate ng dugo bilang suporta sa programa.

Pinasalamatan ni Revilla ang lahat ng kalahok kabilang ang mga kalahok sa programa tulad ng mga negosyante at iba pang boluntaryong donor.



Nagsimula sa kanyang termino bilang Gobernador ng Cavite noong huling bahagi ng dekada-90.

Ang proyekto ng mambabatas ay nakatulong hindi lamang sa mga Caviteño kundi pati na rin sa libu-libong Pilipino na nangangailangan ng suplay ng dugo.



Lalo na umano ang mga sagip buhay na kailangang agad na masalinan ng dugo para maisalba sa binggit ng kamatayan na hirap makakuha ng mga donor.

Nakatulong din ito sa mga kilalang personalidad tulad nina Dolphy, Vina Morales, TJ Cruz, Ogie Diaz, Francis Magalona, Jennifer Lee, Winnie Cordero, at iba pa.

Kasabay nito, nag-donate din ng dugo ang mga pulis, Phil. Marines, BJMP, AFP, Phil. Air Force, Phil. Navy, Bureau of Fire Protection at mga OJT.

Nakipagtulungan din si Revilla sa ilang socio-civic organizations at iba pang grupo tulad ng Agimat Riders at Alpha Phi Omega Fraternity.

Para sa taong ito, tinangkilik ni Revilla ang Chinese General Hospital and Medical Center at Lung Center of the Philippines para maging partner hospital ng programa.