Advertisers

Advertisers

Mga reporma sa panahon ni Chiz dahilan ng mabilis ng pagbaba ng kahirapan sa Sorsogon

0 19

Advertisers

BUMAGSAK ang antas na kahirapan ng pamilya sa Sorsogon sa 15.1 porsiyento noong 2025 mula sa 28.4 porsiyento noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), isang malaking pagbaba na nagbibigay-diin sa pangmatagalang epekto ng mga reporma sa imprastraktura at patakaran na ipinatupad ni Senador Francis “Chiz” Escudero noong kanyang termino bilang gobernador ng lalawigan.

Pinuri ni Escudero, dating pinuno ng lokal na pamahalaan mula 2019 hanggang 2022,  ang pag-unlad ng kasalukuyang pamahalaang panlalawigan ngunit nanawagan ng mas pinalakas na mga programang pangkabuhayan, suporta sa mga kooperatiba, at pinalawak na proteksyong panlipunan upang matulungan ang mas maraming pamilya na makaahon sa kahirapan.



Binigyang-pugay din niya si Sorsogon Governor Boboy Hamor sa pagpapatuloy at pagpapabuti ng mga repormang kanyang sinimulan.

“I commend Governor Boboy Hamor and the provincial government for building on these gains and expanding the initiatives we started, especially those that support farmers, fisherfolk, and small entrepreneurs. I’m pleased that the reforms we worked on are now bearing fruit. The challenge now is continuity,” dagdag ni Escudero.



Sa kanyang bahagi, kinilala ni Hamor si Escudero sa paglalatag ng pundasyon para sa pag-unlad ng lalawigan, kung saan binanggit niya ang mga proyekto sa imprastraktura, pamumuhunan sa kalusugan, at mga inisyatiba sa kapayapaan ng kanyang sinundan bilang mga batayan para sa pagbangon ng ekonomiya.

“We are reaping the benefits of reforms that started years ago, and we will continue to strengthen programs that uplift Sorsoganons,” sabi ni Hamor.



Ayon sa PSA, ang halos 50-porsiyentong pagbaba ng bilang ng mga mahihirap na pamilya ay nangangahulugang bumagsak ang bilang ng mga pamilyang naghihirap sa 32,000 mula sa dating 53,400.

Iniulat din ng ahensya noong nakaraang buwan na bumagsak ang antas ng kahirapan ng mga indibidwal sa 21.8 porsyento mula 37.9 porsyento. Dahil dito, nabawasan ang bilang ng mga mahihirap na indibidwal mula 330,400 tungo sa 187,700.

Ang termino ni Escudero sa Sorsogon ay nagdulot ng mabilis na pag-unlad ng mga imprastraktura, kabilang na ang 15.6-kilometrong Sorsogon Coastal Road, ang pagpapanumbalik ng Provincial Capitol, ang pagtatayo ng Museo Sorsogon, at ang rehabilitasyon ng Bulusan Lake at mga pasilidad ng turismo sa Matnog. Pinangunahan din niya ang groundbreaking ng Sorsogon Cancer Treatment Center na nagkakahalaga ng P49.5-milyon.

Noong panahon ng mga lockdown dahil sa COVID-19, pinabilis ni Escudero ang pagtatayo ng mga kalsada upang magbigay ng trabaho at pinalakas ang kahandaan sa sakuna sa antas ng barangay.

Suportado rin ng kanyang pamumuno ang mga programa sa kapayapaan at kaayusan, kabilang ang isang halfway house para sa mga sumukong rebelde, at nagpatupad ng mga proyekto sa pagpapaunlad ng barangay sa ilalim ng NTF-ELCAC na naglaan ng mga kalsada mula bukid patungo sa pamilihan, sistema ng tubig, elektrisidad, at suportang pangkabuhayan.

Inihayag ng PSA na ang Sorsogon ay umunlad mula sa Group 4 (may 20 hanggang 30 porsyento ng kahirapan) noong 2023 patungo sa Group 5 (may 10 hanggang 20 porsyento na lamang) noong 2025.

Dahil dito, mas mababa na ang antas ng kahirapan ng Sorsogon kumpara sa average ng buong rehiyon ng Bicol na nasa 16.8 porsyento. Pagdating ng taong 2025, wala nang probinsya sa buong bansa ang may antas ng kahirapan na hihigit sa 30 porsyento. (Mylene Alfonso)