Advertisers

Advertisers

MAYOR, VICE MAYOR, 6 KONSEHAL SA PANGASINAN TANGGAL SA SERBISYO!

0 28

Advertisers

IPINAG-UTOS ng Office of the Ombudsman na tanggalin sa serbisyo sina Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Fernandez Parayno III, Vice Mayor Jimmy Dereje Parayno, at anim na konsehal.

Ito ay kasunod ng desisyon na may petsang April 15, 2026 kungsaan napatu-nayang ‘administratively liable’ sila sa ‘Grave Misconduct’ at ‘Gross Neglect of Duty’.

Bukod sa dismissal, disqualified narin silang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.



Bawal narin silang kumuha ng civil service examinations at forfeited na ang kanilang retirement benefits.

Nag-ugat ang mga reklamo sa hindi nila pagsunod sa ‘notice of suspension’ at sa hakbang na humadlang sa pagpapatupad ng mga itinalagang pansamantalang opisyal habang nakasuspende ang mga pangunahing opisyal ng lungsod noong Jan. 2025.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">