Advertisers
NAHAHARAP sa tatlong bilang ng katiwalian sa Sandiganbayan si dating Pampanga Representative Aurelio “Dong” Gonzales kaugnay ng umano’y ‘conflict of interest’ na kinasasangkutan ng mga proyektong imprastrak-tura.
Kinumpirma ito ng Judicial Records Division ng anti-graft court nitong Biyernes ng umaga matapos isampa ng mga tauhan ng Office of the Ombudsman ang mga kaso.
Ni-raffle ang mga kaso sa mga dibisyon ng Sandiganbayan na hahawak sa mga ito Biyernes ng hapon.
Nauna rito, inakusahan si Gonzales, na naiulat na may kaugnayan sa AD Gonzales Construction, ng pagiging isang tinatawag na “cong-tractor” isang tawag sa mga mambabatas na nagma-may-ari o namamahala rin ng mga kompanya ng konstruksyon na may mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Congtractor ‘yan eh… People didn’t believe that there would be accountability whatsoever in violating the law, harap-harapan kasi nga walang manghuhuli. Bawal iyan eh. It’s a prohibited activity, it’s a conflict of interest found in so many laws on corruption so mahirap na makatakas diyan,” ani Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Nagsilbi si Gonzales na senior deputy speaker ng Kamara noong ika-19 na Kongreso.