VICE MONEY BABAHA SA BATANGAS SA 2025 ELECTION; SEC. ABALOS INURIRAT VS TISOY, NONIT AT MR. ROMANTIKO!
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
HINDI lamang milyones kundi bilyon na halaga ng “dirty money” ang inilalarga ng mga “lord” sa CALABARZON lalo na sa Batangas, kaya’t dapat na pakilusin na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) upang mapigilan ang pagdanak ng dugo sa mga lugar na itinuturing na “hotly contested”, pagkat ang mga kandidato ay alaga ng mga sindikato.
Ayon sa anti-crime and vice group, nagsisimula nang umagos ang mga salapi ng financier ng illegal drug, gambling, paihi at iba pang ilegalidad bilang maneobra sa paparating na May 2025 election upang suportahan ang kandidatong sasabak sa iba’t ibang posisyon lalong lalo na sa pagka-mayor at gobernador.
Hiniling ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) kay Sec. Abalos na pakilusin si PNP Region 4A Director, Brig. General Paul Kenneth Lucas; at atasan si Batangas Provncial Director,Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., upang mapigilan ang “tatlong untouchable” na drug at gambling operators na sina alyas Tisoy, Nonit at Mr. Mike Romantiko na gamiting election fund ang salaping kinikita ng mga ito sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies, sakla, paihi at iba pang uri ng illegal activities na pawang front sa bentahan ng shabu sa mga bayan sa Padre Garcia at kanugnog na mga siyudad at munisipalidad.
Bulgar at talamak ang operasyon ng saklaan ng tatlo sa bahay ng isang alyas Ka Monina sa Brgy. Sambat, Padre Garcia, itinuturong pinakamalaki sa tinatayang 30 sakla joints na nag-o-operate sa lalawigang ito ni Marcos loyalist Governor Hermilando Mandanas.
Ang pinakamalakas pang front ng bentahan ng shabu nina alyas Tisoy, Nonit at Mr. Mike Romantiko ay ang kanilang rebisahan ng taya sa STL bookies sa bahay ng isang alyas Nilo sa Brgy. Banaba, ‘di naman kalayuan sa Brgy. San Miguel kungsaan naroon ang opisina ni Padre Garcia Police chief Major Edmon Dayagan. Anang MKKB, dedma lang ang mga vice den kay Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera.
Bukod sa vice den ay may mga paihi/buriki operation ng petroleum products pa sina Tisoy, Nonit at Mr. Mike Romantiko sa mga barangay ng San Felipe at Bawi, Padre Garcia na pinopostehan ng kanilang mga kapanalig na sina alyas RR at Roy.
Kahit hindi Batangueno, si Mr. Mike Romantiko ay deklaradong tatakbo bilang Batangas Governor bagamat talunan na ito nang nakaraang 2022 election, ayon din sa MKKB.
Ayon pa sa MKKB, may 10 sakla den naman sa bayan ng Nasugbu na pinatatakbo ni alyas Willy Bokbok, operator din ng STL bookies sa naturang munisipalidad, 5 sa Sto. Tomas City na ino-operate ng tong kolektor na si alyas Magsino at Marasigan, 6 sa Tanauan City na pinakikilos ng STL bookies operator na si alyas Ocampo at Badoy, 15 sa Lipa City na minamantine ng pulis na si alyas Lopez at Bornok at iba pa na hindi rin napapa aksyunan maging ni Criminal Investigation and Detection Group R4A Field Unit (CIDG-RFU 4A) Chief Col. Reynante Panay.
Sa Brgy. Santiago, Malvar, may drug den din sa permanente o puesto pijo na pasugalan ng color games, drop balls na mayroon ding putahan ang mag-asawang alyas Glenda at Utoy, at may ala-mini casino ding sugalan ng card games.
Mayroon ding madjungan at bilyaran na umaabot sa milyon ang pustahan na pinatatakbo ng grupo nina Laguz sa tabi lamang ng Lian Public Market. Pakilala ng grupo ng mga naturang gambling operator ay kaalyado sila sa pulitika ni Lian Mayor Joseph Piji. Kaya andap sina Col. Malinao Jr. at ang kanyang hepe na sawatain ang garapalang gambling den at drug haven.
Maliban sa vice den at puesto pijo sugalan ay may higit pa sa tig-35 STL bookies operator sa mga siyudad ni Lipa City Mayor Eric Africa na pinamumunuan ng sindikatong “Big 4”, sa lungsod ni Tanauan Mayor Sonny Collantes na pinakikilos nina alyas Ocampo, alyas Jr. Biscocho, Kap Burgos, alyas Kap Mike, Demafelis, Ms. Bagsic, Cristy, Montilla, Lawin, Melchor, Ablao at iba pa, at sa siyudad ng Calaca ay ni alyas Jr. Biscocho na financier din sa Tanauan City.
May mga operasyon din ng bookies sa mga bayan Lemery, San Luis, Balayan, Calatagan, Agoncillo, Tuy, Lian, Lobo, Bauan. Mabini, Malvar, San Juan, Laurel, Talisay, Balete, Alitagtag, Cuenca, Sta. Teresita, San Nicolas at iba pa, ayon din sa MKKB.
Ang gambling at illegal drug ay tila mag-asawang hindi maghiwalay at dekada na ang itinagal ng operasyon sa lalawigan ni Gov. Mandanas dahil sa pangungunsinte ng pulisya. Kaya kailangan nang kumilos ni Sec. Abalos, na dating alkalde at kongresista ng Mandaluyong City at napaulat na kakandidatong senador sa ilalim ng partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon pa sa MKKB.