Advertisers

Advertisers

MAGNA CARTA OF FILIPINO SEAFARERS LALAGDAAN NA NI PBBM

0 10

Advertisers

NAKATAKDANG lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Sa ipinadalang abiso ng Presidential Communications Office (PCO), magaganap ang ceremonial signing sa Malakanyang bandang alas-10:00 ngayong Lunes ng umaga, Setyembre 23.

Inaasahan namang dadalo sa aktibidad sina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo, PCO Sec. Cesar Chavez at iba pang mga opisyal ng gobyerno.



Matatandaang itinulak ang Magna Carta of Filipino Seafarers upang mabigyan ng komprehensibong proteksiyon ang mga seafarers. (Gilbert Perdez)