Advertisers
Habang lumalawig ang isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING ay dumarami ang mga rebelasyon sa karumaldumal at madugong paghahari ng LIDERATO sa DUTERTE ADMINISTRATION para sa manipulasyon ng ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa kasabuwat ang mga notoryosong CHINESE NATIONALS.., na isang pribadong daungan ng mga barko sa CAGAYAN DE ORO (CDO) CITY ang ginawang sentrong kalakalan ng mga ito para sa SHABU SHIPMENT, sa postura ng mga lehitimong pagnenegosyo tulad sa pagawaan o pabrika ng mga bakal.
Sa pinakabagong pagdinig ng CQC nitong September 19, 2024.., ay nalantad ang virus ng PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR (POGO) sa paraang nakapasok na sa mas maraming lugar kaysa sa naunang inakala ng sambayanan.., dahil sa itinampok ni CONGRESSMAN DAN FERNANDEZ hinggil sa mga operasyon ng POGO sa CDO tulad sa isang pribadong pantalan na ginawang daungan ng DUTERTE EMPIRE para sa kanilang mga kontrabando.
Ang naturang lugar ay naroroon pa umano ang mga kagamitan na may kaugnayan sa POGO OPERATIONS; na isa sa mga itinuturong may-ari ng POGO FACILITIES ay si JIAN XIN YANG na kapatid ng kilalang si MICHAEL YANG (dating ECONOMIC ADVISER ni EX-PRES. RODRIGO DUTERTE).., na ayon kay CONG. FERNANDEZ ay sangkot umano itong si JIAN XIN YANG sa ilang mga negosyo at establisimiyentong ilegal na nag-ooperate.
Isa sa mga ito ay ang isang pabrika ng bakal na nakarehistrong pagmamay-ari ng mga Pilipino,., subalit sa katunayan ay pagmamay-ari ni JIAN XIN YANG at ng kanyang mga kasosyo sa CHINA. Ang korporasyong ito ay mayroong ilang parcel ng lupa at iba pang real property na lumalabag sa pagbabawal laban sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ang mga korporasyon nitong si JIAN XIN YANG at ng kaniyang mga kasosyo sa CHINA ay may sariling pantalan o daungan sa CDO kung saan madalas na bumababa ang mga hindi nakarehistrong barko. Nakita rin ang daan-daang CHINESE NATIONALS sa kanilang mga pasilidad.., na multi-milyong piso hanggang bilyong pisong halaga ang nagaganap sa mga ilegal na transaksiyon.
Sa punto ni CONG. FERNANDEZ.., ang pribadong daungan sa CDO
ay maaaring isa sa maraming ginagamit para ipasok ang mga ILLEGAL DRUG sa ating bansa.., at base sa mga naunang pagdinig, ang ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa ay sangkot sina MICHAEL YANG, EX-PRES. DUTERTE at iba pa nilang mga kasabuwat na tila ginawang ENTRY POINT ng ILLEGAL DRUGS ang MINDANAO!
Ang mga rebelasyong ito ang nagpaguho sa tumanyag na litanya noon ni EX-PRES. DUTERTE na.., “AYAW KO SA DROGA, I HATE DRUGS” na ang reyalidad pala ay galit sila sa mga kakompitensiya sa ILLEGAL DRUG TRADE dahil ang puntirya ng mga ito ay mamonopolyo ang negosyo sa droga.
Mga ka-ARYA.., tila may palagiang bagong nadidiskubre ang CQC sa kanilang mga isinasagawang pagdinig.., nalalantad ang mga kumplikado at lawak ng ILLEGAL ACTIVITIES ng mga bumubuo sa DUTERTE EMPIRE.
Ginamit ni DUTERTE ang kanyang kapangyarihan bilang PHILIPPINE PRESIDENT para payamanin ang sarili at sa kanyang mga kasamahan.., na unti-unting natutuklasan ng CQC ang mga katotohanan o ebidensiya sa mga kriminalidad ng DUTERTE EMPIRE.., at gaano pa kaya karaming detalye ang matutuklasan ng sambayanan sa naging karumaldumal na kriminalidad, kurapsiyon at nakahihindik na pamamaslang na bahagi sa naging pag-abuso sa kapangyarihan ni EX-PRES. DUTERTE?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.