Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBAHAGI si Xian Lim ng latest ganap niya sa kanyang IG.
Makikita ang Chinito actor na uma-attend ng aviation class.
Nag-enrol kasi ang actor sa Topflite Academy, isang aviation school na matatagpuan sa Pasay City.
Sa isa sa mga litrato, ibinida niya ang bonding niya kasama ang kanyang dalawang instructors.
Inilarawan din niyang solid o one for the books ang kanyang experience.
Caption niya:“Solid class today with capt. @davidrobin_ capt. @air.paulc and capt. @_johannesco ?? @topfliteacadem.”
Sa kaugnay na photo makikita naman siyang nagbabasa ng mapa.
“Getting ready to ??,” sey niya.
Umani naman ng pagbati at papuri ang mga larawang nai-post niya sa social media.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“We are proud of you! ?? Take care always,” “Lets goooo ??,”.
“Pilot-in-the-making @xianlimm in good hands ?????”
“Grabe Capt na tawag ko sayo!”
***
Marvin hinahanap ang katabi ang katabing si Markki
NAGPA-good vibes si Marvin Agustin sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi niya ang hubad na litrato habang nakahiga sa kama na abot tenga ang ngiti.
May caption itong: “Gising na… morning, ano ang plano mo today? ”
Kanya-kanya namang komento ang kanyang followers.
Sey ni abejocelyn: Aba’y parang tumama sa jackpot lotto ang ngiti.
Hirit naman ni liamxbass: Kagigising ko lang din, pero bakit hindi ganito ang itsura ko.
Komento naman ni montero.ako: Ngiting tagumpay
Naglaro naman sa isipan ng ilang mahaderang kibitzers ang ganoong eksena na nag-viral noon kung saan pinag-usapan ang kumalat na pic ng aktor na katabi sa kama ang kaibigan at business associate niyang si Markki Stroem.