Advertisers
Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide sa makabuluhang papel nito sa pagpapasigla ng mga komunidad kasabay ng ika-46 anibersaryo ng pagkakatatag ng religious organization.
Sa kanyang talumpati sa plenaryo ng Senado, nagpahayag ng pasasalamat si Go sa tagapagtatag ng simbahan na si Pastor Eddie Villanueva sa walang sawa niyang pagsisikap na ipalaganap ang Ebanghelyo. Kinilala rin ng senador ang kontribusyon ng mga pinuno at pastor ng simbahan sa pagsusulong ng misyong ito.
“We extend our heartfelt gratitude to its visionary founder, Pastor Eddie Villanueva, who devoted his life to sharing the Gospel of the Lord, together with his dedicated pastors and leaders who have been instrumental in this mission,” sabi ni Go.
Binati rin ni Go ang kanyang kapwa mambabatas na si Senator Joel Villanueva, isa rin sa mga personalidad sa loob ng JIL Church, para sa tagumpay ng religious group.
Ang JIL Church ay patuloy na nangunguna sa mga hakbang na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
“The Jesus Is Lord Church Worldwide is not only dedicated to spreading the Word of God but is also committed to improving the lives of our less fortunate kababayans. Marami pong natutulungan ang Jesus Is Lord Church,” ayon kay Go ukol sa commitment ng simbahan sa pag-aalis ng kahirapan at suporta sa edukasyon
Pinuri rin ni Go ang JIL Church sa mahalagang papel nito sa pagpapaunlad ng komunidad at pagbibigay ng espirituwal at moral na patnubay.
“Its contributions have had a profound impact on our nation, reflecting a steadfast commitment to both faith and societal progress. Ako po’y witness nito mismo. Sa ibang bansa napakadami pong miyembro po ng Jesus Is Lord Church,” ibinahagi ni Go.
Sa paggunita ng JIL Church sa ika-46 taon nito, umaasa si Go sa patuloy na tagumpay ng simbahan sa misyon nito na maglingkod sa pananampalataya at lipunan.
“As we celebrate this milestone, I join in wishing the Jesus Is Lord Church Worldwide a joyous 46th anniversary and continued success in its mission,” pahabol pa niya.