Monet Lu Nanood Ng US Concert Ni Vice Ganda; Madam Produ Marynette Gamboa May Bonggang Comeback Movie Project Sa Water Plus Productions
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
ALONG with her socialite couple friends na sina Diana at James Lua na mga negosyante ay pinanood nila Monet Lu ang concert ni Vice Ganda sa Saban Theatre sa Beverly Hills, California.
Ito ang first show ni Vice para sa kanyang USA Tour 2024 na “YOUR MEMEJESTY QUEEN VG.” Sa ilang dekada niya sa California kung saan siya based ay marami nang napanood na concert si Monet ng malalaking pangalan sa local music industry. At maraming kaibigang singers si Monet at bansag nga sa kanya ay Mother of Celebrity and Beauty Queens.
Going back sa concert ni Vice ay marami naman daw taong nanood at marami anya ang na-excite kay Kyle Echarri na isa sa special guests ni Vice na kasama rin ang Pinoy International Recording Artist na si Jules Graeser. Sayang lang daw at nagkaroon ng technical problem yung viral na sayaw ni Kyle na “Water” ni Tyla.
Pero naitawid naman daw ni Kyle ang iba pa niyang number sa show. Pinupuri pala ng mabait naming friend na si Monet si Kyle at ito pa raw ang lumalapit kapag may fan na gustong magpa-picture sa kanya. Kahit sikat na ay wala raw kaere-ere ang bagets singer-actor.
Saka ayon pa kay Monet ay si James Lua raw pala ang naging daan para magkakilala noon ang parents ni Kyle. Kaya kilalang-kilala ni James and his wife Diana ang gwapong aktor na nakatira pa sa Orange Country nung hindi pa artista. Tatlo pala ang business nina James at Diana sa US na Coffee Shop, Vape Shop and Pastries at pino-promote sila ni Monet na owner ng malaking Salon sa Holywood, California.
***
NAKATUTUWA at balik na sa pagpo-produce ng pelikula at recording ang Donya naming friend na former Mayor ng Dingras, Ilocos Norte na si Madam Marynette Gamboa under her ow movie and production company na WATER PLUS PRODUCTIONS.
Katuwang ni Madam Marynette sa Water Plus ang husband niyang si Efren Reyes Jr. na magaling na actor at director. At panggulat talaga ang comeback ni Madam Marynette sa entertainment industry at pinroduced niya ang life story ng OPM Icon at Idol ng Masa na si April Boy Regino. Tapos nang i-shoot ni Direk Efren ang buong pelikula pero hindi pa nila dini-divulge kung sino ang kanilang bida sa big movie project nilang ito na intended for Metro Manila Film Festival 2024. May inihahanda silang malaking promo para sa “IDOL” movie nilang ito. Noong naka-video call si Madam Marynette na still beautiful ay kasalukuyang nagda-dubbing ang lead stars ng Idol including the new April Boy. Well, sa ngayon aside sa kanyang movie outfit ay marami pang business si Madam Marynette at pareho na ring negosyante ang mga anak na sina Gary at Tiffany. Babalikan din pala ni Madam Marynette ang recording at may mga bagong mukha siyang kukunin sa pagre-revive niya sa D’BODIES, ang all-female singing group na pinasikat niya sa kanta at movie “KILITI!” So watch out sa malalaking proyekto ng Water Plus Productions.
***
PR HEAD Thess
Gubi, “Lucky Charm” Ng Star Magic Philippines
NAKITA namin uli ang PR Head ng Star Magic Philippines sa bonggang event na Regal Legacy: A Majestic Journey 60 Years and Beyond” held at 38 Valencia Events Place. Maliban sa magandang aura ay tuwing nakikta ko si Ma’am Thess ay always smile siya.
Kumbaga, good and positive vibes ang hatid niya. Ito marahi ang nagbibigay swerte sa mga talent nila Ma’am Thess at Direk Laurente Dyogi sa Star Magic Phils. Infairness, majority ng kanilang stars ay indemand sa mga projects like Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, DonBelle-Donny Pangilinan & Belle Mariano, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maris Racal & Anthony Jennings, Arjo Atayde, Janella Salvador, Jameson Blake, etc. O di ba, kahit no franchise ang ABS-CBN ay balik sa kanyang pananagumpay ang Star Magic.
Marami rin palang kumukuha kay Ma’am Thess para i-handle ang kanilang PR’s and presscons at ilan sa kanila ay mga sikat na social media influencers. Dekada na rin nitong hawak ang PR ng SUNLIFE INSURANCE.