Advertisers

Advertisers

No amor 4 Amores!

0 3

Advertisers

May napansin si Aling Barang na interesting post sa Facebook kamakailan.

Mangyari ito ay larawan ng FPJ basketball team noong dekada 60. Tila kuha ito sa opening ceremony ng isang liga o exhibition match.

Nakadalawang row ang pose ng koponan.



Nasa unahan sina Susan Roces bilang muse at si Efren Reyes Sr na siyang coach.

Nasa likod nila si Ronnie Poe suot ang jersey#4 bilang captain ball. Katabi niya si Pepito Rodriguez.

Ang iba pang miyembro ng panngkat ay sina Paquito at Romy Diaz na parehong player din ng FEU Tamaraws. Kakampi rin nila ang kapatid ni Da King na si Andy Poe.

***

Yung bagong programa sa Kapuso Network na tungkol sa mga ina ay itinampok ang mother ni Olympic pole vaulter na si EJ Obiena.



Ipinalabas sa palatuntunan ang naging mahalagang papel na ginampanan ni Jeannete Uy sa buhay ng anak na kampeon.

Ang mommy at daddy ni EJ ay mga Chinese Filipino na mga atleta rin. Mga bihasa sila sa hurdles.

Nagtatanong tuloy ang ale sa pondahan kung magbida rin sa show ang nanay ni Carlos Yulo na si Angelica. Paano kaya tatakbo ang istorya?

***

Noon may 6’6 na cager sa PBA na Romulo ang pangalan at isa pang Mac na tubong Quezon.

Si Romulo ay Mamaril.

Si Mac ay nabaril.

Ire naman si John Amores ay namaril.

Oo, Rene V siya rin ang John Amores na dati’y hinabol ng suntok ang katunggali sa loob ng hardcourt ng NCAa taong 2022. Labang ng kanyang Heavy Bombers vs Blazers.

Ngayon ay guilty naman sa attempted murder sa Laguna kasama ang kanyang kapatid.

Dapat pala ay sumailalim ang manlalaro ng Northport sa anger management upang makaiwas sa gulo. Yan ay bukod pa sa anumang parusa na ipapataw ng korte at ng liga sa batang JRU.

Eka nga ni Kaka ay no amor para sa shooting star ng Batang Pier.