Advertisers
Arestado ang tatlong college students ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency- Zamboanga (PDEA-9) sa drug den sa Barangay Veterans Village sa bayan ng Ipil, sa Zamboanga Sibugay.
Sa ulat, dalawa sa mga suspek ang criminology students habang ang isa social work student. Nakatakas naman ang kanilang kasamahan.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 20 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng halos P68,000 at iba pang drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.