Advertisers

Advertisers

PBBM may napili ng kapalit ni Abalos sa DILG

0 18

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may napili na siyang kapalit ni Sec. Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa isang ambush interview sa Pangulo sa Capaz, Tarlac kaniyang kinumpirma na dalawang pangalan ang kaniyang ikinukunsidera.

Tumanggi naman ang Pangulo na banggitin kung sino ang susunod na kalihim ng DILG.



Sinabi ni Pangulong Marcos na kaniyang i-anunsiyo ang susunod na kalihim sa sandaling makapag-file na ng kaniyang certificate of candidacy si Abalos.

Lumulutang ang pangalan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na maging kalihim ng DILG.

Bukas si Barbers sa anumang posisyon sa gobyerno kung aalukin siya.

Si Abalos ay nagpahayag na tumakbo sa 2025 midterm elections sa ilalim ng Alyansa sa Bagong Pilipinas. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">