Advertisers
Arestado ang isang lalaki sa panggagahasa sa sariling ina nito sa bayan ng Candijay sa Bohol.
Ginahasa umano ng 40-anyos na lalaki ang kaniyang 61 taong gulang na ina noong Biyernes ng umaga.
Naiulat ang suspek na isang ex-convict na nakalabas mula sa kulungan kamakailan matapos ang 14 na taong pagkakakulong dahil sa pagpatay.
Humingi naman ng tulong sa barangay hall ang kaniyang ina na biyuda.
Sinabi pa ng ina na nakita ng kaniyang anak na babae ang nasabing insidente.