Advertisers

Advertisers

Higit 2,400 bahay sa Batanes nasira kay ‘Julian’

0 18

Advertisers

Aabot sa mahigit 2,400 bahay sa Batanes ang nasira sa pananalasa ng Super Typhoon Julian, ayon kay Governor Marilou Cayco nitong Martes.

Sinabi ni Cayco na nasa humigit-kumulang 60% ng 2,463 na apektadong bahay ang ganap na nasira habang 40% ang bahagyang nasira.

Iniugnay ni Cayco ang mataas na bilang ng mga nasirang bahay sa pagbabawal ng aggregates para magamit sa bahay matapos ideklara ang Batanes bilang isang protected area, kung saan gawa sa light materials ang mga bagong bahay sa probinsya.



Nanawagan din siya sa pamahalaan kung puwedeng i-moratorium muna ang batas upang mas makagawa ng matibay na bahay ang mga Ivatan.

Samantala, nagkaroon din ng pinsala ang Batanes General Hospital dahil sa epekto ni Julian. Nawalan ng kuryente at problema sa suplay ng tubig sa lalawigan.

Ayon sa mga ulat, aabot sa kabuuang 77,249 katao o 22,645 pamilya ang naapektuhan ng Julian sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa mga apektadong populasyon sa Batanes, 762 katao o 254 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center habang 1,031 indibidwal o 327 pamilya ang nakasilong sa ibang mga lugar.

Suspendido rin ang klase sa 253 lugar at iskedyul ng trabaho sa 108 lugar dahil kay Julina.



Naipaabot naman na ang tulong na nagkakahalaga ng P987,732 sa mga biktima ni Julian sa ngayon.

Sa kasalukuyan, nakalabas na ang Super Typhoon Julian sa Philippine Area of Responsibility, ngunit inaasahang babalik sa Miyerkoles.