Nawasak ang isang maliit na eroplano sa Basco Airport sa Batanes sa sobrang lakas ng hangin na dulot ng Bagyong Julian.
Makikita sa Facebook video na ibinahagi ni Batanes Gov. Marilou Cayco ang pananalasa ng Bagyong Julian sa kanilang lugar.
“Sobrang, sobrang lakas na po ng bagyo dito sa Batanes. Magdamag na po kaming binayo ng Typhoon Julian,” saad ni Cayco.
Ayon sa Pagasa, nananatili ang Signal No. 4 sa Batanes dahil sa maaaring paglakas ni “Julian” bilang super typhoon mamayang gabi, Setyembre 30.