Advertisers

Advertisers

PNP tutol na manatili si Quiboloy sa kanilang kustodiya

0 24

Advertisers

Kung ang Philippine National Police (PNP) ang tatanungin, tutol sila na manatili sa kanilang custodial center si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Paliwanag ni PNP Public Information Office chief Police Col. Jean Fajardo, sinuman ang indibiduwal na naaresto ay kahit ano pa ang kalagayan nito sa buhay ay dapat ito ay nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Inihalintulad ni Fajardo ang kaso ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ngayon ay nasa kustodiya na ng Pasig City Jail Female Dormitory.



Sa ngyaon ayon pa kay Fajardo na naisumite na ng PNP sa Pasig RTC ang medical evaluation na isinagawa ng PNP general hospital kay Quiboloy.

Ito kasi ang magiging basehan ng korte sa paged-desisyon kung dapat bang ilipat o manatili si Quiboloy sa PNP custodial center kaugnay ng kasong qualified human trafficking na kinakaharap nito.

Nilinaw din naman ni Fajardo na susunod sila kung anuman ang magiging desisyon ng korte.