Advertisers
Inaresto ng mga miyembro ng Las Piñas police ang limang empleyado ng isang credit management company at isang towing service sa ilegal na pag-tow ng sasakyan noong Lunes.
Sinabi ni Col. Sandro Tafalla na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima at sinabing dumating ang mga suspek sa kaniyang tirahan sa Brgy. Talon Tres.
Iligal umano na hinila ng mga suspek ang kaniyang sasakyan.
Nakakulong na ang mga suspek sa police custodial facility matapos silang arestuhin.
Narekober naman ng pulisya ang kinuhang sasakyan at ang puting utility vehicle na ginawang towing vehicle.